Home HOME BANNER STORY Pax Silica project, maaaring makalikha ng mahigit sa 130,000 high-quality jobs – BCDA

Pax Silica project, maaaring makalikha ng mahigit sa 130,000 high-quality jobs – BCDA

3
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na mahigit sa 130,000 high-quality jobs para sa mga pinoy ang maaaring malikha mula sa panukalang Pax Silica development sa New Clark City habang pino-posisyon ang bansa bilang hub para sa advanced manufacturing.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni BCDA President and Chief Executive Officer Joshua Bingcang na ang US-led initiative ay maaaring makahikayat ng US$40 billion hanggang US$70 billion na investments sa oras na fully developed, makalikha ng maraming oportunidad para sa mga Filipino engineers, researchers, computer science graduates, at iba pang highly skilled professionals para maitaguyod ang kanilang mga karera sa bansa.

“Ang layunin natin dahil alam natin napakadaming talentong magagaling dito sa ating bansa ay maging brain gain tayo ngayon imbes na brain drain,” ayon kay Bingcang.

Ang Pax Silica ay isang panukalang high-tech manufacturing at innovation hub sa ilalim ng Luzon Economic Corridor na naglalayong palakasin ang supply chain para sa artificial intelligence (AI), semiconductors, critical minerals, electronics at data centers.

Kabilang ang Pilipinas sa iilang bansang itinuturing na “trusted partners” ng United States. Sumama ang Pilipinas sa Pax Silica coalition noong Abril bilang 13th member. Simula noon, ang koalisyon ay lumawak sa mahigit an 30 participating countries.

“The project seeks to move the Philippines higher in the global value chain by processing locally sourced minerals such as nickel and copper into higher-value products for export instead of shipping raw materials overseas,” ayon kay Bingcang.

Saklaw ng panukalang industrial estate ang 1,620 ektarya sa loob ng 9,450 ektarya sa New Clark City. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here