MANILA, Philippines — Umapela ang Philippine National Police noong Huwebes sa mga raliyista at publiko na igalang ang mga pulis na gumaganap ng kanilang tungkulin matapos masugatan ang anim na tauhan nito sa dispersal ng protesta malapit sa venue ng Association of Southeast Asian Nations meetings sa Pasay City.
Sinabi ni PNP chief Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr. na nagpapatupad ang pulisya ng maximum tolerance sa mga kilos-protesta, ngunit hindi dapat pisikal na inaatake o nilalait ang mga pulis.
“Just like everybody, your police have a job to do, an order to comply with, and a mandate to perform. Any form of disrespect to our personnel on the ground is an attack to our uniform, to our badge, and to the PNP as an organization,” pahayag ni Nartatez.
“We are not asking for too much; we are merely asking for respect in recognition of the sacrifices of our men on the ground,” dagdag niya.
Nasugatan ang anim na pulis noong Miyerkules nang buwagin ng mga awtoridad ang protesta sa isang no-rally zone malapit sa ASEAN meeting venue, kung saan naroon ang mga dayuhang delegado.
Ayon kay Nartatez, obligasyon ng pamahalaan bilang host country na tiyakin ang kaligtasan ng mga delegado kaya binigyan ang pulisya ng espesyal na tagubilin na bantayan ang venue. Nahirapan din umano ang mga pulis na agad matukoy ang mga raliyista mula sa ibang tao sa lugar habang ipinapatupad ang kautusang alisin ang anumang protest activity.
Sinabi ng PNP na bukas ito sa anumang imbestigasyon upang matukoy ang lahat ng detalye ng insidente.
Ayon kay PNP information chief at spokesperson Col. Allen Rae Co, nasa 30 indibidwal ang nagsagawa ng lightning rally malapit sa ASEAN meeting venue. Nauwi sa komosyon ang dispersal sa pagitan ng mga pulis, raliyista at ilang miyembro ng media, partikular ang mga photographer.
Patuloy na iniimbestigahan ang insidente.
Samantala, nakikipag-ugnayan ang PNP sa Iglesia ni Cristo para sa pagdiriwang ng ika-112 anibersaryo ng pagkakatatag nito, na sasabay sa ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Hulyo 27.
“As of this time, we are still coordinating, continuing our coordination with the church leadership as to where they were actually holding their anniversary. As I understand, it’s their anniversary, but we do not have the exact details on their anniversary celebration, so we would like to find out, of course, for the proper preparation. But as to the preparation, we all have contingency plans wherever they will decide to hold their anniversary celebration,” sinabi ni Co. Santi Celario