Home NATIONWIDE Suspek sa Berlin Pride attack, napatay sa operasyon ng pulisya

Suspek sa Berlin Pride attack, napatay sa operasyon ng pulisya

1
0

BERLIN — Napatay ng mga pulis nitong Linggo ang 21-anyos na suspek sa pag-araro ng minivan sa mga tao malapit sa Christopher Street Day Pride celebration sa Berlin.

Naganap ang pag-atake bandang alas-10 ng gabi noong Sabado sa Tiergarten park malapit sa Brandenburg Gate, hindi kalayuan sa isa sa pinakamalalaking taunang LGBTQ Pride events sa Europe. Isang katao ang nasawi habang 29 ang nasugatan, ayon sa mga awtoridad.

Sinabi ng Berlin police na natagpuan ang suspek na kinilalang si Abdul B. sa isang allotment garden complex sa Spandau district bandang alas-6 ng gabi nitong Linggo.

“Around 6 p.m. (1600 GMT), the suspect involved in yesterday’s attack in Tiergarten was located at an allotment garden complex in Spandau,” pahayag ng pulisya sa X.

“According to initial findings, he ran towards officers while armed with a bladed weapon; police… subsequently opened fire. Despite immediate resuscitation efforts by the Berlin Fire Department, he died at the scene.”

Kinumpirma ng tagapagsalita ng federal prosecutors na nabaril ang suspek at idineklarang patay.

Nauna nang inilabas ng pulisya ang larawan ni Abdul B. at humingi ng tulong sa publiko upang matunton siya.

Ayon kay Interior Minister Alexander Dobrindt, ang suspek ay isang German citizen na may Lebanese heritage at isinilang sa Germany noong 2005. Dati na umano itong napansin ng mga awtoridad dahil sa maraming criminal offenses, radicalization at koneksiyon sa Islamist scene.

Pinakahuli ang insidente sa serye ng mga vehicle attack sa mga tao sa Germany na lalong nagpaigting sa debate tungkol sa seguridad at immigration, kasabay ng pagtaas ng suporta sa far right.

Bago ang memorial service sa St. Mary’s Church sa Berlin, hinimok ni Chancellor Friedrich Merz ang mga German na ipagtanggol ang liberal values ng bansa.

“We will defend the freedom, openness, and liberal spirit of our lives and our society with everything we can do,” sinabi ni Merz.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here