Home NATIONWIDE Iran, titigil sa pag-atake habang nakasuspinde pag-atake ng US

Iran, titigil sa pag-atake habang nakasuspinde pag-atake ng US

1
0

DUBAI/WASHINGTON — Ititigil ng Iran ang mga pag-atake nito hangga’t hindi ipinagpapatuloy ng United States ang pambobomba, ayon sa isang senior Iranian official nitong Linggo, matapos ang 13 magkakasunod na gabi ng airstrikes ng US.

Walang naitalang pag-atake ng US noong Sabado at Linggo matapos suspendihin ng Pentagon ang kampanya nito noong Biyernes ng gabi. Hindi rin umatake ang Iran sa loob ng dalawang araw matapos nitong gantihan ang mga naunang US strike sa pamamagitan ng pag-atake sa mga kalapit na bansang may American military bases.

Sinabi ng Iranian official, na tumangging magpakilala, na mananatili ang patakarang “attack for attack” ng Tehran.

Iran’s position “remains ‘attack for attack’: if the attacks stop, Iran will also halt its operations. That message has already been conveyed to the United States.”

Ayon kay US Ambassador to the United Nations Mike Waltz, ipinahinto ni President Donald Trump ang mga pag-atake upang bigyan ng mas malaking pagkakataon ang diplomasya.

“He’s giving talks some space, he’s giving it a little bit of room,” sinabi ni Waltz.

Dumating din ang desisyon matapos sabihin ng US military officials na halos naubos na ang mga paunang napiling target ng bombing campaign. Iniulat na binalaan ni General Dan Caine, chairman of the Joint Chiefs of Staff, si Trump na maaaring makabawas pa sa suplay ng armas ng US ang pagpapatuloy ng malawakang operasyong militar, kabilang ang mga interceptor na ginagamit ng air defenses sa Middle East.

Tumangging magkomento ang opisina ni Caine at ang US Central Command.

Sinabi ni Waltz na ang US military “has everything that it needs,” ngunit inamin niyang si Defense Secretary Pete Hegseth ay “inherited a depleted situation” nang maupo sa puwesto.

Gayunman, duda ang Iran na ang paghinto ng pambobomba ay tanda ng malaking pagbabago sa posisyon ng Washington sa negosasyon.

“There is more skepticism than optimism about the halt in attacks. The prevailing view is that the pause is tactical rather than genuine. Iran has accumulated enough bitter experience with what it sees as US deception,” sinabi ng Iranian source.

Ayon sa US, isinagawa ang mga pag-atake bilang ganti sa pag-atake ng Iran sa mga barko sa Strait of Hormuz. Gumanti naman ang Iran sa pamamagitan ng pag-atake sa mga water desalination plant sa mga kalapit na Gulf Arab states.

Iginiit ng Tehran na layunin nitong mapanatili ang kontrol sa Strait of Hormuz, kung saan dumaraan ang humigit-kumulang ikalimang bahagi ng pandaigdigang suplay ng langis bago ang digmaan.

Nabigo rin ang interim agreement na napagkasunduan noong nakaraang buwan matapos muling ilunsad ng US ang kampanyang militar.

Ayon sa mga ulat, ipinahinto ni Trump ang pambobomba matapos magpahayag ng pangamba ang kanyang senior advisers sa pulong noong Biyernes. Iniulat na nagpahayag ng pag-aalinlangan si Vice President JD Vance, habang sinabi ni Admiral Brad Cooper, commander ng US forces sa Middle East, na naabot na ng kampanya ang limitasyon ng pagiging epektibo nito.

Sinabi ni Nader, isang 49-anyos na import-export business owner sa Tehran, na nananatiling hindi tiyak ang mga residente kung magtatagal ang paghinto ng mga pag-atake.

“Everyone in the country is stuck in limbo,” sinabi niya. “Trump is playing games with Iran. He neither ends the war and leaves the region nor strikes decisively. It’s exhausting.” Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here