Home HOME BANNER STORY VP Duterte: ‘Di ako kailanman magbibitiw

VP Duterte: ‘Di ako kailanman magbibitiw

1
0

MANILA, Philippines – Iginiit ni Vice President Sara Duterte na hindi siya kailanman magbibitiw sa puwesto dahil maituturing umano itong pagtataksil sa 32.2 milyong Pilipinong bumoto sa kanya.

“Oh, never gonna happen. Hindi ako magreresign dahil ‘yun ay parang betrayal sa 32.2 million na mga kababayan natin na bumoto sa akin,” sinabi ni Duterte sa isang panayam na inilathala noong Linggo sa Facebook page ng Padayon & Updates.

Dagdag niya, maaaring alisin siya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung nais nitong mawala siya sa puwesto.

“Kung gusto ni BBM tanggalin niya ako, gawin niya ang lahat, tanggalin niya ako,” sinabi ni Duterte.

Nahaharap si Duterte sa impeachment trial kaugnay ng umano’y maling paggamit ng confidential at intelligence funds, unexplained wealth at betrayal of public trust. Itinanggi niya ang mga paratang at iginiit na politically motivated ang kaso.

Sa talumpati naman sa Filipino community sa London noong Sabado, binatikos din ni Duterte ang pamahalaan dahil sa umano’y korupsiyon.

“Dahil napakaraming ‘buwaya’ sa Pilipinas,” Duterte said. “Ang nangyari sa ating mga Pilipino, nagkanya-kanya tayo. Yung mga nakaupo, umangat, nagkaroon, nakapangyarihan, naging makasarili.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here