Home METRO 4-anyos na batang babae, patay; 7-anyos sugatan sa sunog sa Talisay

4-anyos na batang babae, patay; 7-anyos sugatan sa sunog sa Talisay

1
0

CEBU CITY — Nasawi ang isang 4-anyos na batang babae habang nasugatan ang 7-anyos na batang lalaki matapos masunog ang kanilang bahay sa Purok Lubi, Sitio Caolong, Barangay Campo 4, Talisay City noong Sabado ng hapon, Hulyo 25.

Nagtamo ng matinding paso sa katawan at mukha ang batang babae at idineklarang dead on arrival sa ospital. Samantala, napaso ang kanang palad ng batang lalaki matapos tumalon mula sa ikalawang palapag ng bahay at dumaan sa bintana upang makaligtas.

Ayon sa imbestigasyon ng Talisay City Fire Station, nasa silid sa ikalawang palapag ang magkapatid nang sumiklab ang sunog. Natutulog ang batang babae habang gumagamit naman ng cellular phone ang batang lalaki.

Sinubukan ng kanilang ina na sagipin ang batang babae, ngunit naka-lock ang pinto ng silid. Tinangka niya itong abutin sa pamamagitan ng bintana, ngunit nadatnan na niyang malubha nang nasunog ang kanyang anak.

Batay sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection sa Talisay City, electric clip fan ang pinagmulan ng sunog. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here