Home ENTERTAINMENT Rochelle at Jopay, kumpirmadong may iringan!

Rochelle at Jopay, kumpirmadong may iringan!

2
0

Manila, Philippines — Muling nabuhay ang tsikang may iringan nga sina Rochelle Pangilinan at Jopay Paguia, na dating mga miyembro ng SexBomb Dancers.

Ito’y dahil sa mga cryptic post na hinihinalang para sa isa’t isa.

Kahit matagal nang usap-usapan ang tungkol sa kanilang iringan, parehong tikom ang kanilang bibig.

But wait, what’s this about their respective social media posts?

Hindi ba’t giveaway ang mga ito?

Post ni Jopay: “Don’t play with me. I know the difference between what you show and who you really are.”

Sa isa namang story, may pa-selfie si Rochelle, captioned: “Kawawa yarn?”

Netizens are positive na para sa isa’t isa ang mga parunggit na ’yon.

Sey ng isa sa mga ito: “Ang lakas ng loob magparinig ni Jopay, pero naka-off naman ang comment section!”

Sa ngayon, nananatiling tahimik sina Rochelle at Jopay.

Between the two, Rochelle is less hostile.

Minsan nang naiulat na may kanya-kanyang kampo ang dalawa o set of sympathizers.

At pag may imbitasyon para magtanghal, pag puwede si Rochelle ay hindi naman available si Jopay.

Same with Jopay, hindi naman puwede si Rochelle.

Kanino kayo—Team Rochelle o Team Jopay?

Ginatungan pa raw namin, o!

Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here