Home ENTERTAINMENT Netizens, mixed reax sa hirit ni Kim kay Ogie!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Netizens, mixed reax sa hirit ni Kim kay Ogie!July 27, 2026 11:1010 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines — Nagbalik sa alaala ni Ogie Diaz ang karanasan niya kay Kim Chiu.Ito’y matapos mag-trending ang isyu sa pagitan nina Kim at Ryzza Mae Dizon.Ani Ogie, grand finals daw ’yon ng Tawag ng Tanghalan kung saan everyone was dressed in gowns.Si Kim naman ay nasa hallway ng ABS-CBN, nagpi-pictorial.Patuloy ni Ogie: “Ako naman, kalalabas ko lang kasama ang misis ko at si Meerah Khel, ’yung bunso ko.“So lumabas kami dahil binati namin si Vice Ganda. Tsinika-tsika namin sa dressing room.“Mga isang metro ang layo, nagkatinginan kami ni Kim. Akala ko, magha-hi or what. Siyempre, meron kaming misunderstanding.“So noong nagkatinginan kami, out of the blue, sabi niya: ‘Buti pinapasok kayo.’“Ang facial expression ni Kim, alanganing nakangiti at nakasimangot.“Sabi ko, ‘Bakit, bawal ba?’ So pumasok na siya sa dressing room niya.”Maging ang misis ni Ogie daw ay nagtaka kung bakit tila “off” ang hirit ni Kim.Puwede naman daw kasi niyang pansinin si Ogie, but it wasn’t the case.Nabigla nga lang ba si Kim sa kanyang binitiwang salita?O bad hair day ni Kim noong araw na ’yon?Or she woke up on the wrong side of the bed?Umani naman ng iba’t ibang reax mula sa netizens ang sitwasyong ’yon.Ronnie Carrasco III