Home NATIONWIDE Marcos: Mahigit P800M mula sa anomalya sa flood control, naibalik sa kaban...

Marcos: Mahigit P800M mula sa anomalya sa flood control, naibalik sa kaban ng bayan

1
0

MANILA, Philippines — Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes na mahigit P800 milyon na halaga ng mga ari-ariang nauugnay sa maanomalyang flood control projects ang naibalik na sa pamahalaan.

Sa kanyang ikalimang State of the Nation Address, sinabi ni Marcos na bahagi ito ng tinatayang P20 bilyong halaga ng umano’y ill-gotten assets na konektado sa kontrobersiya.

“All proceeds recovered from the corrupt will be immediately returned to the public treasury,” ani Marcos.

Idinagdag ng Pangulo na ipinauubaya niya sa Office of the Ombudsman ang pag-uusig sa mga kaso, habang nagpahayag ng tiwala na maglalabas ang mga hukuman ng “reasonable verdict.” RNT

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here