Home NATIONWIDE Pagbuo ng ad hoc committee sa legislative gap pinag-aaralang ng Senado –...

Pagbuo ng ad hoc committee sa legislative gap pinag-aaralang ng Senado – Salceda

2
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) Secretary Joey Salceda na pinag-aaralan ng Senado ang pagbuo ng isang ad hoc committee upang matughunan ang “legislative bottleneck” na nag-aantala sa ilang mahahalagang panukala, kabilang ang mga priority bills sa paglago ng ekonomiya, imprastraktura, enerhiya, maliliit na negosyo, at reporma sa eleksyon.

Sa isang panayam ng mga mamamahayag kay Salceda sinabi nito na ang layunin ng ad hoc committee ay pabilisin ang aksyon sa mga priority bills na nakatuon sa pagpapalago ng ekonomiya na naantala dahil sa mga isyu sa organisasyon at proseso sa loob ng Senado.

Inamin ni Salceda na may mga priority bills na nakapasa na sa Kamara ngunit hindi ito nailulusot sa Senado dahil walang counterpart na panukal, dahil dito, bumagal ang deliberasyon ng mga mahahalagang panukala.

Kabilang sa mga nais isulong na maipasa ay ang GINHAWA Bill, mga amiyendang nagpapalawak sa Energy Regulatory Commission, National Infrastructure Master Plan Bill, at batas na nagpapatibay sa suporta para sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs).

Ayon kay Salceda, nasa 59 na panukala pa ang nananatiling nakabinbin at nangangailangan ng mas mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Tiniyak ni Salceda na patuloy na makikipag-ugnayan ang PLLO sa mga lider ng Senado at Kamara upang matulungan silang lutasin ang mga hadlang sa paggawa ng batas.

Anti-Political Dynasty at Partylist Law nais ipasa ni PBBM

Inamin ni Salceda na dalawang panukala ang nais na agad na maipasa ni Pangulong Marcos, pangunahin ang anti-political dynasty at amyenda sa Partylist law.

Naaprubahan na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill No. 8389, o ang panukalang Anti-Political Dynasty Act habang ang House Bill No. 9906, o ang panukalang New Party-List System Act na inihain ni House Speaker Faustino Dy ay nakabinbin pa sa Kamara.

Inaasahan na ang pagbuo ng panukalang ad hoc committee sa Senado ay makatutulong upang mabilis ang pag apruba sa mga mahahalagang panukala na isinususlong ng Marcos administration. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here