Home METRO HVI, isa pa huli sa P.2M shabu sa Caloocan

HVI, isa pa huli sa P.2M shabu sa Caloocan

1
0

MANILA, Philippines – SWAK sa kulungan ang dalawang durugista kabilang ang isang High-Value Individual (HVI) nang makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng shabu kasunod ng pagkakaaresto sa kanila isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, sinabi ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth na ang mga suspek ay 36-anyos na driver, (HVI) ng Brgy., 185 at 30-anyos na mekaniko, (SLI) ng Brgy., 186.

Ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan Police sa pangunguna ni P/Lt. Restie Mables ang buy bust operation laban sa HVI suspect, sa koordinasyon sa PDEA.

Matapos umanong tanggapin ng suspek ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba, kasama ang mekanino na umano’y kanyang parokyano sa Barangay 185.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 30.9 grams ng suspected shabu na may standard drug price na ₱210,120.00, at buy-bust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa Caloocan City Prosecutor’s Office. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here