Home NATIONWIDE Kelot tiklo sa P1M shabu sa nirentahang sasakyan

Kelot tiklo sa P1M shabu sa nirentahang sasakyan

3
0

MANILA, Philippines – Arestado ang 43-anyos na lalaki matapos marekober ang nasa P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa kotse na nirentahan nito sa Surallah, South Cotabato, nitong Lunes ng hapon, Hulyo 27.

Ayon sa Surallah Municipal Police Station (MPS), ang sasakyan na isang blue Suzuki Dzire na may plakang GBF 8005 ay dinala sa istasyon ng pulis bandang 4:10 ng hapon matapos humingi ng tulong ang may-ari ng CK Car Rentals sa pulisya.

Ang may-ari na kinilalang si “Kent,” ay nagsabi na nakita niya sa GPS ng sasakyan na patungo ito sa Cotabato City sa halip na General Santos City na naunang napagkasunduang destinasyon sa rental contract.

Sa istasyon ng pulis ay nagkasundo ang renter at may-ari ng sasakyan na magbabayad ng karagdagang P1,500 para sa hindi awtorisadong pagpapalit ng ruta.

Bago tanggapin ang sasakyan ay nagsagawa ng routine inspection ang may-ari sa ilalim ng polisiya ng kompanya.

Dito na nakita ang tatlong malalaking heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu sa glove compartment.

Agad itong sinabi ng may-ari sa naka-duty na pulis saka inaresto ang renter.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas “Jose,” 43, may-asawa, magsasaka at residente ng Barangay Edwards sa Tboli, South Cotabato.

Tumitimbang ng 150.18 gramo at nagkakahalaga ng P1,021,224 ang nakumpiskang iligal na droga.

Nahaharap ang suspek sa reklamong paglabag sa Republic Act No. 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here