MANILA, Philippines – MAY kabuuang 831 New People’s Army (NPA) communist insurgents at kanilang supporters ang “na-neutralize” ng government forces mula Enero 1 hanggang Hulyo 23 ngayong taon.
Sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na may kabuuang 736 indibiduwal ang sumuko, 34 ang nahuli at 61 ang napatay sa military operations.
Ang neutralized ay military term na tumutukoy sa pagsuko, pagdakip o paghuli at pagpatay ng enemy troops.
Sa nasabing parehong panahon, may 588 assorted firearms at 244 anti-personnel mines ang isinuko o nasamsam at 30 NPA encampments ang nahuli.
“Bawat baril na na-recover ay isang banta ang nababawasan, mas marami po ang sumusuko, mas maraming buhay ang nababago. Peace remains our end goal,” ang sinabi ni Padilla.
Sa buong nakaraang taon, sinabi ng military na na-units neutralized ng units nito ang 2,018 NPA at supporters.
Tinatayang may 1,798 ng mga ito ang sumuko habang 93 ay naaresto at 127 naman ay napatay sa iba’t ibang military operations sa buong bansa.
“A total of 1,134 firearms and 531 anti-personnel mines were either seized or surrendered (during this period),” ang sinabi pa ng AFP.
May kabuuang 149 NPA encampments ang nadakip. KRIS JOSE