Home NATIONWIDE Panukalang tax reform package batay sa maingat na pag-aaral, konsultasyon- Malakanyang

Panukalang tax reform package batay sa maingat na pag-aaral, konsultasyon- Malakanyang

2
0

MANILA, Philippines – SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang panukalang tax reform package at susugan ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) ay resulta ng maingat na pag-aaral at konsultasyon.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro, hindi inanunsyo ni Pangulong Marcos sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ang major policy initiatives nang hindi kinonsulta ang mga kaugnay na opisyal at pinag-aralan ang implikasyon.

“Hindi po magsasalita ang Pangulo kung wala siyang basehan. Inaaral po ng Pangulo ang bawat sinasabi niya,” ani Castro.

Tinuran pa ni Castro na ang detalye ng panukalang batas ay kinabibilangan ng kanilang fiscal impact at funding sources, pag-uusapan ng economic team ng administrasyon.

At nang tanungin si Castro kung isesertipika ni Pangulong Marcos ang tax reform measures bilang urgent, tinuran ni Castro na ang panukalang batas ay dapat na dumaan muna sa masusing pagrerebisa bago pa ipadala sa Pangulo.

“Ang kailangan lang po kasi makita ‘yung mga bill at kapag nakita po ng Pangulo ay definitely iyan po ay ise-certify as urgent,” anito.

Nauna rito, hiniling ni Pangulong Marcos sa Kongreso ang agarang pag-amyenda sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) upang alisin ang system loss at ang value-added tax (VAT) na ipinapasa sa mga konsyumer sa kanilang buwanang bayarin sa kuryente. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here