MANILA, Philippines – Ipinunto ni House Trial Spokesperson Zia Adiong na ang mga testimonya ng dalawang Landbank managers ay kapansin pansin na tumugma din sa mga mahahalagang detalye sa naunang salasay ni Ramil Madriaga na umaming nautusan na mamudmud ng milyong confidential funds ni Vice President Sara Duterte.
Sa isang pressconference matapos ang ika-10 araw ng impeachment trial, tinukoy ni Adiong ang mga pagkakatulad na testimonya nina retired Landbank Shaw Blvd Branch Manager Violeta Constantino at dating Landbank Deped Branch Manager Nenita Camposano at Madriaga na may kinalaman sa petsa ng transaksyon, ang mga lalagyan ng cash, at ang dami ng mga bag na pinaglagyan ng cash.
“Hindi naman magkakilala ‘yung dalawang bank managers at saka si Madriaga. Pero may pagkakapare-pareho ‘yung sinasabi nila,” giit ni Adiong.
Matatandaang tumestigo si Madriaga sa mga pagdinig ng House Committee on Justice noong Abril tungkol sa pamamahagi ng P125 milyon noong Disyembre 20, 2022, matapos ilagay ang cash sa apat na bag at ilabas sa OVP.
“Yung description nung nilagyan ng pera, ‘yung ano yung bag, ilang bag ang nilagyan, at saka ‘yung date na pinag-releasesan nitong cheque na ito may kakapagkakapareho,” ani Adiong.
Pangatwiran ni Adiong, may bigat ang mga nagtutugmang detalye dahil ang dalawang retiradong bank manager at si Madriaga ay walang malinaw na kaugnayan na magpapaliwanag sa isang pinagkasunduang salaysay.
“I don’t think this is a made-up story agreed by these three individuals. So it would definitely give credence and credibility to the testimony of Madriaga,” diin pa ni Adiong.






