Home NATIONWIDE Bagong nuclear plant, aabutin ng 8 taon – Cojuangco

Bagong nuclear plant, aabutin ng 8 taon – Cojuangco

1
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangasinan 2nd District Rep. Mark Cojuangco, chairperson ng House Committee on Nuclear Energy, na maaaring umabot ng walong taon ang pagtatayo ng isang bagong nuclear power plant, kaya kailangan nang simulan ito sa lalong madaling panahon.

“Actually, yung existing planta, apat na taon. Pero kung maguumpisa tayo ng bago, aabutin ng walong taon ‘yan ang bawat isang gagawin natin,” aniya.

Idinagdag niya na ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) ay maaaring maibalik sa operasyon sa loob ng apat na taon.

Ayon kay Cojuangco, hindi sapat ang isa o dalawang nuclear plant para sa pangangailangan ng bansa.

“Hindi naman magkukuha ng isa o dalawang nuclear plant ang kailangan sa Pilipinas, ang minimum sa aking pananaw ay labing anim hanggang 32. Dapat mag-umpisa na tayo ngayon, kailan pa tayo maguumpisa?” saad pa niya.

Sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na muling pinag-aaralan ng pamahalaan ang paggamit ng nuclear energy.

Samantala, sinabi ng Department of Energy (DOE) na maaaring umabot ng 10 taon bago magkaroon ng unang gumaganang nuclear power plant sa bansa.

Tinataya ni Cojuangco na aabot sa US$1.5 bilyon ang kakailanganin upang ma-revive ang BNPP.

“Ang Bataan kasi gawa na po ‘yan, sa tantsya ko, dapat wag lumampas ng around US $1.5 billion. Mayroon po akong proposal sa gobyerno, ang Bataan ang planta, ang nuclear village sa Bagac, ang power line papuntang Metro Manila, ang pump storage facility ay sa Caliraya. Sa aking palagay, may halagang $2 billion,” ayon sa kaniya.

Kung hindi umano magiging posible ang BNPP, sinabi niyang maaaring isaalang-alang ang iba pang lugar tulad ng Pangasinan, Isabela, Mindoro, at Masbate.

“Pero kung may problema ang Bataan dahil sa local politics, humanap tayo ng ibang lugar, maybe Pangasinan, maybe Isabela, Mindoro, Masbate, etc,” dagdag niya. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here