Home NATIONWIDE Pagpapatupad sa Pag-abot Program, pinalalawak ng DSWD

Pagpapatupad sa Pag-abot Program, pinalalawak ng DSWD

2
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na patuloy na pinalakakas ng ahensya ang pagpapatupad ng Pag-abot Program upang maabot ang mas maraming indibidwal at pamilyang namamalagi sa lansangan sa iba’t ibang rehiyon, kasunod ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa dokumentong inilabas kamakailan na pinamagatang ‘The President’s Report to the People 2022-2026’, binigyang-diin ng Pangulo ang mahahalagang inisyatiba ng DSWD sa social welfare na naglalayong iangat ang kalagayan ng mga sektor na nangangailangan ng tulong, kabilang ang Pag-abot Program na ginawang opisyal na programa ng pamahalaan sa ilalim ng Executive Order No. 52.

Kaugnay nito ayon sa ahensya ang Pag-abot Program ay nagsisilbing estratehikong balangkas ng DSWD para sa social protection na umaabot sa mga bata, indibidwal, at pamilyang namamalagi sa lansangan upang magbigay ng agarang tulong, pansamantalang matutuluyan, at mga serbisyong sumusuporta sa kanilang matagumpay na muling pagsasama sa lipunan.

“Nananatiling matatag ang pangako ng Kagawaran na protektahan ang mga sektor na nangangailangan ng tulong, lalo na ang mga pamilya at indibidwal na namamalagi sa lansangan. Gagawin ng DSWD ang lahat upang mailayo sila sa mga panganib na dulot ng pamamalagi sa kalye, lalo na ngayong panahon na ng tag-ulan,” pahayag ni Asst. Secretary Irene Dumlao, ang tagapagsalita ng DSWD, noong Huwebes (Hulyo 30).

Samantala batay sa pinakahuling datos, nakapagsagawa ng profiling ang mga Pag-abot Team sa 29,988 indibidwal, naabot ang 22,852 katao, at matagumpay na naibalik sa kani-kanilang mga komunidad ang 21,174 na benepisyaryo.

Sinabi ng DSWD ay patuloy na nagbibigay ang Pag-abot Program ng mga kinakailangang tulong upang gawing produktibong mamamayan ang mga benepisyaryo habang tinitiyak ang kanilang kaligtasan mula sa mga panganib ng pamumuhay sa lansangan.

Ang mga pamilya at indibidwal na namamalagi sa lansangan (FISS) na naaabot ng mga social worker ay sumasailalim sa paunang pagsusuri bago sila tanggapin sa Pag-abot Processing Center at sa mga Center for Residential Care Facilities (CRCFs). “Pinaparami na rin po ng Departamento ang ating mga processing centers to of course, accommodate more clients, more beneficiaries, dahil ito po ang mandato ng DSWD, to ensure that no Filipinos are living on the streets. Kaya nga po ang ating mga Field Offices nationwide ay walang tigil sa pagsasagawa ng reach out operations,” sabi ni Asst. Secretary Dumlao.

Kasalukuyang pinapanatili ng DSWD ang apat na Pag-abot Processing Centers, kabilang ang dalawang aktibong pasilidad sa Pasay City at Cebu, na may dalawang pasilidad sa Pampanga at ang Cordillera Administrative Region (CAR) na sumasailalim sa pagsasaayos para ma-accommodate ang mas maraming indibidwal. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here