Home METRO Philippine Army, nagpadala ng artillery unit sa Eastern Samar vs NPA

Philippine Army, nagpadala ng artillery unit sa Eastern Samar vs NPA

2
0

MANILA, Philippines – Nagpadala ang Philippine Army ng Light Deployable Battery (LDB) ng Artillery Regiment sa Eastern Samar upang palakasin ang operasyon laban sa mga natitirang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Eastern Visayas.

Tinanggap ng 8th Infantry “Stormtroopers” Division ang pagdating ng yunit, na inaasahang magpapalakas sa kakayahan ng dibisyon sa mga target na operasyong militar.

Ang LDB ay gumagamit ng Italian Pack Howitzer (IPH), isang magaan at madaling ilipat na artillery system na angkop sa mabundok na lugar. Kumpara sa karaniwang 105 mm howitzer, maaari itong madaling baklasin, dalhin, at muling buuin.

Ayon sa 8th ID, makatutulong ang IPH upang maging mas epektibo ang mga operasyon ng mga yunit sa labanan habang pinangangalagaan ang kaligtasan ng mga sundalo at sibilyan.

Tiniyak din ng 8th ID na ang pagpapadala ng LDB ay para sa lehitimong operasyong militar laban sa mga armadong grupo at isasagawa nang may mahigpit na pagsunod sa International Humanitarian Law (IHL), karapatang pantao, at rule of law. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here