Home NATIONWIDE Panel ng prosekusyon, naghahanap ng dagdag legal spokesperson — Atty. Tolosa

Panel ng prosekusyon, naghahanap ng dagdag legal spokesperson — Atty. Tolosa

3
0

MANILA, Philippines – Naghahanap ang House prosecution panel ng isa pang abogadong may karanasan sa paglilitis upang tumulong sa pagpapaliwanag ng mga kaganapan sa impeachment trial at kontrahin ang pagkalat ng maling impormasyon.

Inihayag ni Private Prosecutor at House prosecution legal spokesperson Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr. na nagsimula ang paghahanap bago pa man kwestiyunin ang kanyang sabay-sabay na tungkulin.

“But, actually, even before this came up, we’ve already been trying to look for another spokesperson,  because when I informed our team that when it’s my turn, to be on deck and to present a witness, I would have to scale back my spokes duties,” pahayag ni Tolosa.

Kasalukuyang naglilingkod si Tolosa bilang miyembro ng private prosecution team at bilang pangunahing legal spokesperson ng panel sa kasong impeachment ni Vice President Sara Duterte.

“So, once I informed them about that, we started to look for, you know, someone who could complement me and help me out in doing these spokes duties,” dagdag ni Tolosa.

Hinahanap ng panel ang abogadong nakakaunawa sa mga kaganapan sa korte at kayang ipaliwanag sa publiko ang kaganapan nang hindi nalalagay sa alanganin ang mga nakabinbing usapin.

“So, we’re still in the process of trying to look for that other lawyer, also with the litigation background,” ayon kay Tolosa.

Aniya, kailangan ang dagdag na tagapagsalita dahil ang mga pampublikong diskusyon tungkol sa paglilitis ay madaling kapitan ng mga maling pahayag at baluktot na impormasyon.

“The goal here is to combat, misinformation, disinformation campaign. We’ve been seeing that from day one,” giit ni Tolosa.

Mayroon nang mga mambabatas mula sa Kamara na nagsisilbing trial spokesperson, ngunit iginiit ni Tolosa na ang teknikal at legal na katangian ng mga pagtatalo sa korte ay nangangailangan ng patuloy at masusing pampublikong paliwanag.

“So, for us, that is very crucial, so that we could explain, in a manner that could be understood by the public the technicalities, what’s actually going on in this trial,” paliwanag ni Tolosa.

Nangako rin si Tolosa na mas magiging maingat at mapagbantay matapos ipaalala ng impeachment court spokesperson sa magkabilang panig na sundin ang sub judice rule sa kanilang mga pampublikong pahayag.

“We welcome that reminder, and we’ll make sure that moving forward we’ll be even more cautious and careful about ensuring not to violate the sub judice rule,” ani Tolosa.

Sa ngayon, wala pang pinal na napipiling kandidato ang prosekusyon na sasalo sa mga tungkulin ng legal spokesperson. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here