Home OPINION 500,000+ BAHAY NAIPATAYO NG DHSUD,PAG-IBIG FUND SA ILALIM NG EXPANDED 4PH...

500,000+ BAHAY NAIPATAYO NG DHSUD,PAG-IBIG FUND SA ILALIM NG EXPANDED 4PH — PBBM

2
0

IPINAGMALAKI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) 2026 ang malaking tagumpay na naitala ng Department of Human Settlements and Urban Development at Pag-IBIG Fund sa ilalim ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (4PH).

Ayon sa Pangulo, umabot na sa higit 500,000 tahanan ang naitayo at napondohan sa ilalim ng pambansang programang pabahay ng kaniyang administrasyon. Kabilang dito ang mahigit 100,000 bahay na naidagdag sa loob lamang ng nakalipas na isang taon dahil sa pinalakas na rollout ng programa.

Malaki ang naging kontribusyon ng Pag-IBIG Fund sa makasaysayang tagumpay na ito sa pamamagitan ng pagpapalabas ng abot-kayang pautang sa pamilyang Pilipino. Batay sa pinakahuling datos na inihayag ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta, umabot na sa ₱517.45 bilyon ang kabuuang naipalabas na home loans ng ahensya na nagpondo sa 379,294 housing units sa buong bansa sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Binigyang-diin ng Pangulo na upang matugunan ang kakulangan sa pabahay, patuloy ang pakikipagtulungan ng pamahalaan sa pribadong sektor at mga lokal na pamahalaan. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga bagong komunidad, pag-alok ng Acquired Assets ng Pag-IBIG Fund bilang karagdagang opsyon, pagpapatupad ng Community Mortgage Program, pagtatag ng mga resettlement site, at pati na rin ng mga paupahan.

Pinasalamatan naman ni DHSUD Secretary Jose Ramon P. Aliling at Pag-IBIG Fund CEO Marilene Acosta ang Pangulo sa pagkilala sa kanilang mga pagsisikap. Ayon kay CEO Acosta, ang pagkilalang ito ay nagpapakita ng magandang bunga ng patuloy na tiwala ng mga miyembro at ng maingat na pamamahala sa pondo ng ahensya upang matulungang magkaroon ng sariling bahay ang mas maraming Pilipino.

Tiniyak ng dalawang pinuno na patuloy nilang patitibayin ang mga partnership sa pribadong sektor at iba pang ahensya ng pamahalaan upang panatilihing abot-kaya at accessible ang pautang sa pabahay para sa lahat ng sektor sa bansa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here