Home HOME BANNER STORY Hontiveros, naghain ng panukalang price cap sa singil sa kuryente

Hontiveros, naghain ng panukalang price cap sa singil sa kuryente

3
0

MANILA, Philippines – Naghain si Sen. Risa Hontiveros ng Senate Bill No. 2361 na magbibigay sa pangulo ng kapangyarihang magpatupad ng “price cap” o pinakamataas na presyo sa singil sa kuryente kapag may state of emergency o kalamidad.

Ayon kay Hontiveros, layunin ng panukala na protektahan ang mga konsyumer laban sa biglaang pagtaas ng presyo ng kuryente, lalo na sa panahon ng krisis.

“Electricity rates should not be allowed to rise unchecked, especially during times of crisis. Everyone is affected by this. Even middle-income families are already struggling with the cost of food, transportation, medicine, and other basic needs. They should not be forced to absorb one power-rate increase after another,” aniya.

Sa ilalim ng panukala, maaaring magtakda ang Pangulo, batay sa rekomendasyon ng Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC), ng price ceiling sa kuryente sa mga lugar na nasa ilalim ng state of emergency o kalamidad.

Kasama rin sa panukala ang awtomatikong pagbabawal sa pagputol ng kuryente sa mga residential consumer sa loob ng hanggang 90 araw sa panahon ng emergency o kalamidad, at ang staggered payment o hulugang pagbabayad ng mga bayarin sa kuryente.

Kung magiging batas ito, hindi rin maaaring putulan ng kuryente ang mga konsyumer na may reklamo sa kanilang bill habang dinidinig ang kanilang kaso sa distribution utility o ERC, basta magbabayad sila “under protest” ng halagang katumbas ng kanilang average monthly bill sa nakaraang tatlong buwan.

Iminumungkahi rin ng panukala ang paglikha ng isang independent Consumer Affairs Office upang tiyaking napapakinggan ang mga hinaing ng mga konsyumer.

“Requiring consumers to pay the full amount before their complaints are resolved should not be the default policy. During an emergency, the power must stay on and consumers must be treated fairly. No more collect first, review later practice,” saad ni Hontiveros. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here