Home IN PHOTOS DepEd gumamit ng rain catchers sa mga paaralan kontra kakulangan sa tubig

DepEd gumamit ng rain catchers sa mga paaralan kontra kakulangan sa tubig

1
0

MANILA, Philippines – Nagsasagawa ng maintenance check ang isang utility worker sa mga rain catcher sa paligid ng Rafael Palma Elementary School sa San Andres, Maynila, bilang bahagi ng mga hakbang upang makatipid sa tubig.

Ang paggamit ng mga pasilidad na nag-iipon ng tubig-ulan ay isa sa mga estratehiya ng pamahalaan upang makatulong na matugunan ang matinding tagtuyot at kakulangan sa tubig na dulot ng El Niño.

Hindi ginagamit bilang inuming tubig ang nakokolekta mula sa mga rain catcher. Sa halip, inilalaan ito sa iba pang pangangailangan upang mabawasan ang paggamit ng tubig mula sa pangunahing linya ng suplay.

Bukod sa pag-aani ng tubig-ulan, nagpapatupad din ang Department of Education (DepEd) ng mga hakbang upang makatipid sa tubig, kabilang ang paghikayat sa mga estudyante na magdala ng sariling tumbler o bote ng tubig at pagtiyak na may sapat na drinking stations sa bawat silid-aralan. ERIC OCAPAN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here