Home NATIONWIDE 12,000 kawani ng UP System, makakatanggap ng maagang pamasko — DBM

12,000 kawani ng UP System, makakatanggap ng maagang pamasko — DBM

1
0

MANILA, Philippines – Tinatayang 12,000 kawani ng University of the Philippines (UP) System ang makakatanggap ng Performance-Based Bonus (PBB) bago matapos ang 2026, ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Kim Robert C. de Leon nitong Biyernes.

Inanunsyo ito ni de Leon sa kanyang talumpati sa inspeksyon ng mga pasilidad at kagamitan ng UP Manila na naglalayong suportahan ang de-kalidad na edukasyon.

Binigyan ng kalihim ang pamunuan ng unibersidad ng 20 araw ng trabaho upang isumite ang listahan ng mga kwalipikadong kawani na makatatanggap ng bonus.

Bukod dito, inanunsyo rin ni de Leon na gagawing full-time ang 179 part-time faculty positions sa UP Manila upang mapatatag ang seguridad sa trabaho ng mga guro.

Inaprubahan din ng DBM ang reclassification ng limang posisyon sa UP Manila upang maging full-time. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here