Home NATIONWIDE Pekeng ORUS website ng BIR, ibinabala

Pekeng ORUS website ng BIR, ibinabala

1
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) nitong Biyernes, Oktubre 9, laban sa pekeng website na nagpapanggap na opisyal na Online Registration and Update System (ORUS) ng ahensya.

Ayon sa BIR, ginagaya ng website na orus.ph ang itsura ng lehitimong government portal. Maaari itong magpakita ng kahina-hinalang pop-up windows at humingi ng hindi pangkaraniwang pahintulot sa device, na posibleng magdulot ng panganib sa privacy at cybersecurity, kabilang ang pagnanakaw ng datos.

Pinayuhan ang mga taxpayer na huwag bisitahin ang naturang website, maglagay ng personal o impormasyong may kaugnayan sa buwis, o magbigay ng anumang pahintulot na hinihingi nito.

Nilinaw ng BIR na ang opisyal na ORUS platform ay maa-access lamang sa https://orus.bir.gov.ph/. Hinikayat din ang publiko na tiyaking tama ang website address bago magbahagi ng sensitibong impormasyon online.

Pinayuhan ng ahensya ang publiko na maging mapagmatyag sa mga online scam na gumagaya sa mga platform ng pamahalaan. Ang sinumang makakita ng kahina-hinalang link, hindi inaasahang pop-up, o website na nag-aangking konektado sa BIR ay dapat kumuha ng dokumentasyon at agad itong iulat sa ahensya para sa imbestigasyon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here