Home METRO Aktibidad ng Taal, bumababa

Aktibidad ng Taal, bumababa

3
0

BATANGAS, Philippines – Ayon sa Phivolcs, bumaba ang sulfur dioxide (SO₂) emissions at seismic activity ng Taal Volcano sa Batangas sa nakalipas na 24 oras.

Sa pinakahuling monitoring, 300 metric tons ng SO₂ ang naitala mula sa main crater, mas mababa kaysa sa 518 metric tons na naitala mula Hulyo 27 hanggang 30. Umabot sa 600 metro ang taas ng volcanic plume bago ito tinangay ng hangin.

Bumaba rin ang bilang ng volcanic earthquakes mula 32 hanggang 24 sa loob ng 24 oras.

Wala ring naobserbahang upwelling ng mainit na volcanic fluids sa crater lake at walang naitalang volcanic smog o “vog.”

Sa kabila ng pagbaba ng aktibidad, nananatili ang Alert Level 1 sa Taal Volcano, na nangangahulugang may mababang antas pa rin ng pag-aalboroto ang bulkan.

Paalala ng Phivolcs: “The public is reminded that Alert Level 1 indicates that Taal Volcano remains in an abnormal condition and should not be interpreted to have ceased unrest or the threat of eruptive activity.” RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here