Home METRO 193 ilegal baril nasamsam, isinuko sa Batangas

193 ilegal baril nasamsam, isinuko sa Batangas

3
0

BATANGAS, Philippines – Umabot sa 193 ilegal na baril ang nasamsam o kusang isinuko sa Batangas sa pinaigting na operasyon laban sa loose firearms mula Mayo hanggang Hulyo 2026.

Ayon kay PBGen. Dominic Baccay, Acting Regional Director ng Calabarzon police, ang mga nakuhang mahahaba at maiikling baril ay walang kaukulang legal na dokumento.

Bahagi ito ng pinaigting na kampanya ng pulisya sa Batangas at buong Calabarzon laban sa mga ilegal na baril na madalas gamitin sa iba’t ibang krimen.

Aminado si Baccay na marami pang ilegal na baril ang nasa sirkulasyon.

“Straight talk, real talk, marami pa, marami pa rin mga firearms o mga baril na kailangan natin kumpiskahin kaya tayo ay nagdodoble ang ating effort kasi nakita nyo naman, again real talk, mayroon pa rin mga pangyayari tungkol sa mga shooting incidents,” sabi niya.

Sinabi rin niyang wala na silang minomonitor na organisadong grupong kriminal sa rehiyon, ngunit may ilang dating miyembro at kasamahan pa na pinaghahanap.

“We are going after them, and the long arm of the law will eventually catch these lawless elements. These lawless elements have no place here in Batangas and in the whole Calabarzon,” dagdag ni Baccay.

Hinimok din niya ang mga may-ari ng hindi lisensiyadong baril na kusang isuko ang kanilang mga armas bago sila maaresto. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here