MANILA, Philippines – Isang solong bettor ang nanalo ng P25.18-milyong jackpot sa Super Lotto 6/49 draw nitong Martes, Agosto 4, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ang winning ticket, na binili sa isang lotto outlet sa Camarines Sur, ay tumama sa kombinasyong 11-20-12-36-44-26 at nagwagi ng eksaktong P25,187,181.56.
Ayon sa PCSO, isa sa 13,983,816 ang tsansang manalo sa grand jackpot ng Super Lotto 6/49.
Huling napanalunan ang jackpot ng Super Lotto 6/49 noong Hulyo 26, nang maiuwi ng isang bettor ang P91 milyong premyo.
Samantala, walang nanalo sa dalawa pang major jackpot draws.
Umakyat sa P182,425,805.15 ang jackpot ng Ultra Lotto 6/58 matapos walang tumama sa kombinasyong 35-14-07-13-46-55.
Hindi rin napanalunan ang P19,249,103.08 jackpot ng Lotto 6/42 matapos walang makahula sa kombinasyong 01-26-42-15-34-19. RNT