Home METRO Billboard safety ordinance tuwing may sakuna, ipinatupad sa QC

Billboard safety ordinance tuwing may sakuna, ipinatupad sa QC

2
0

MANILA, Philippines – Nagpatupad ang Quezon City government ng ordinansang nag-aatas sa mga may-ari, operator, at advertiser na tiyaking ligtas, ibaba, alisin, o kalasin ang mga billboard at signage kapag may inilabas na severe weather advisory.

Layunin ng Ordinance No. SP-3515, S-2026, o Quezon City Billboard Weather Safety Ordinance, na maiwasan ang aksidenteng dulot ng mga billboard at malalaking tarpaulin na maaaring bumagsak, matanggal, o tangayin ng malakas na hangin at ulan.

“Once the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) or the Quezon City Government issues a public weather advisory for tropical depressions, storms, typhoons, heavy rainfall, strong winds, or other hazardous weather conditions, all covered billboards and signage must immediately be secured, rolled down, removed, dismantled, or otherwise rendered safe against displacement, detachment, or collapse,” pahayag ng pamahalaang lungsod nitong Martes, Agosto 4.

Saklaw ng ordinansa ang mga may-ari, operator, lessor, lessee, advertiser, at iba pang indibidwal o entidad na responsable sa mga billboard at signage, kabilang ang mga nakatayo sa mga ari-arian ng pamahalaan.

Inaatasan din silang bantayan ang mga opisyal na weather advisory mula sa PAGASA, Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office, at Public Affairs and Information Services Department.

Sa unang paglabag, papatawan ang violator ng written warning at P3,000 multa kada araw. Sa ikalawang paglabag, P4,000 kada araw ang multa at 15-araw na suspensyon ng permit, habang P5,000 kada araw at pagbawi ng permit ang parusa sa ikatlo at mga susunod pang paglabag.

“The ordinance likewise provides for imprisonment, at the discretion of the court, depending on the gravity of the offense,” ayon sa city government.

Pinahihintulutan din ng ordinansa ang lokal na pamahalaan na alisin o kalasin ang mga billboard at signage na nagdudulot ng agarang panganib sa panahon ng emergency o kalamidad.

Sisingilin sa may-ari, operator, o lessor ang gastos sa operasyon, bukod pa sa posibleng pagsasampa ng kaso at iba pang kaukulang parusa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here