Home NATIONWIDE P400K ismagel na sigarilyo nasabat sa Zamboanga Sibugay

P400K ismagel na sigarilyo nasabat sa Zamboanga Sibugay

1
0

MANILA, Philippines – Nasabat ng pulisya ang tinatayang P400,000 halaga ng hinihinalang ismagel na sigarilyo sa isang checkpoint sa Tungawan, Zamboanga Sibugay noong Lunes.

Ayon kay Zamboanga Sibugay Police Provincial Office Director Col. Barnard Danie Dasugo, isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng 2nd Zamboanga Sibugay Provincial Mobile Force Company, katuwang ang Tungawan Municipal Police Station at Provincial Intelligence Unit, bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa smuggling.

Bandang alas-5:00 ng hapon, pinara ng mga awtoridad ang isang puting tricycle (Bajaj Maxima) sa Border Control Point sa Barangay San Pedro. Sa isinagawang inspeksyon, natuklasan ang 350 ream ng Berlin cigarettes na hinihinalang ipinuslit at walang kaukulang customs at transport documents.

Agad na kinumpiska ang mga sigarilyo, na tinatayang nagkakahalaga ng P400,771, gayundin ang ginamit na sasakyan. Dinala rin ang drayber at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Tungawan Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Pinuri ni Dasugo ang mga operatiba sa matagumpay na operasyon at iginiit na ipagpapatuloy ng pulisya ang pagpapalakas ng checkpoint operations at intelligence-driven efforts laban sa smuggling at iligal na kalakalan sa Western Mindanao. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here