MANILA, Philippines – Kauna-unahan ang Office of the Vice President (OVP) sa ilalim ni Vice President Sara Duterte na ahensya ng pamahalaan na naranasan ni state auditor Roderick Wamil na tumangging tanggapin ang Audit Observation Memorandum (AOM) mula sa Commission on Audit (Coa).
Hindi tinanggap ang AOM dahil wala umanong authorized person na tatanggap nito, ayon kay Wamil, House prosecution witness.
Tinanong ni Senator-Judge Francis “Kiko” Pangilinan kung pangkaraniwan ba sa ahensya ng pamahalaan ang tumatangging tumanggap ng AOM.
“That’s the first time it happened, Your Honor,” sagot ni Wamil.
“So that’s unusual?” tanong ni Pangilinan.
“Yes, that’s unusual, sir,” tugon ni Wamil.
Si Wamil ang isa sa witness ng prosekusyon para sa unang article of impeachment na nag-aakusa ng maling paggamit ng P612.5 milyon ng confidential funds sa OVP at DepEd sa panahon ni Duterte. RNT/JGC