Home NATIONWIDE Number coding suspendido sa Bagyong Maymay, Habagat

Number coding suspendido sa Bagyong Maymay, Habagat

1
0

MANILA, Philippines – Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang implementasyon ng Expanded Number Coding Scheme ngayong Huwebes, Agosto 6, dahil sa pinagsanib na epekto ng Bagyong Maymay at Habagat.

“Suspended ang pagpapatupad ng Expanded Number Coding Scheme ngayong araw, Agosto 6, Huwebes, dahil sa inaasahang epekto ng Tropical Storm Maymay at Hanging Habagat,” sinabi ng MMDA.

Nagpaalala ang ahensya sa mga motorista na planuhin ang biyahe at mag-ingat sa pagmamaneho, kasabay ng pagiging alerto sa mga weather advisory. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here