Home METRO 2 Parak sa Caloocan, arestado sa ilegal bentahan ng baril

2 Parak sa Caloocan, arestado sa ilegal bentahan ng baril

4
0

MANILA, Philippines – Nasakote ang dalawang aktibong pulis sa ikinasang buy-bust operation ng kanilang mga kabaro dahil sa pagbebenta umano ng ilegal na armas sa Caloocan City, Huwebes ng umaga.

Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili ang mga pulis na sina alyas “Onin” na may ranggong Staff Sergeant, 32, nakatalaga sa Caloocan Police Sub-Station 2 at alyas “JayAr” na may ranggong Master Sergeant, 39, ng Caloocan Police Sub-Station 9.

Sa nakarating na ulat kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/MGen. Anthony Aberin, nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth sa pangunguna ni P/Lt. Col. Rengie Deimos matapos ang ilang araw na surveillance at monitoring operation laban sa dalawa kasunod ng natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y ilegal na gawain ng mga ito.

Isang sibilyan ang ginamit na poseur-buyer ng pulisya na nagbayad ng P2,500 marked money sa mga suspek kapalit ng hindi lisensiyadong kalibre .38 revolver na kargado ng dalawang bala na dahilan ng kanilang pagkakaaresto dakong alas-5:30 ng umaga sa Riles Compound, Brgy., 5.

Bukod sa ibinentang revolver, nakumpiska sa dalawa ang kanilang service firearm na kalibre .9mm pistol na ang isa ay kargado ng 10 bala sa magazine at 15 bala naman sa isa pa, isang 12-gauge shotgun na may apat na bala, dalawang mobile phone, dalawang motorsiklong gamit nila sa ilegal na operasyon at ang ginamit na marked money.

Maliban sa kasong administratibo, mahaharap din ang dalawa sa kasong paglabag sa Illegal Sale and Illegal Possession of Firearms at Possession/Sale of High-Powered Firearms sa ilalim ng R.A. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here