Home METRO 6 most wanted, nadakip sa Olongapo, Zambales

6 most wanted, nadakip sa Olongapo, Zambales

4
0

CAMP OLIVAS, PAMPANGA- Inulat ng mga awtoridad na magkakasunod na naaresto ang anim na Most Wanted Person (MWP) na sangkot sa iba’t-ibang kaso ng krimen sa unang bugso ng buwan ng Agosto sa ikanasang magkakahiwalay na manhunt operation ng pulisya sa Olongapo City at lalawigan ng Zambales.

Batay sa ulat ni Zambales Police Director Col. Benjamin Ariola kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez.

Nadakip ng pulisya ang tatlong wanted sa bayan ng Iba, Subic at Candelaria, Zambales.

Habang nasukol at naaresto ng pulisya ang tatlo pang wanted sa Olongapo City.

Ang mga naarestong suspek ay pawang mga akusado sa mga  kaso gaya ng Statutory Rape, VAWC Law, Qualified Rape of a minor at iba pang kaso ng sexual assault at pagnanakaw.

Nadakip ang mga suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Korte.

Nasa kustodiya na nang pulisya ang mga naarestong suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here