Home HOME BANNER STORY #WalangPasok, Agosto 7 sa sama ng panahon

#WalangPasok, Agosto 7 sa sama ng panahon

2
0

MANILA, Philippines – Suspendido ang klase sa ilang bahagi ng bansa nitong Biyernes, Agosto 7, 2026, dahil sa inaasahang malakas na ulan dulot ng Habagat at bagyong “Maymay.”

Sa Metro Manila, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Maynila, Malabon, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa at Valenzuela.

Lumipat sa Alternative Delivery Mode ang mga klase sa Maynila, habang online classes naman sa Malabon. Asynchronous classes o distance learning ang ipinatupad sa Muntinlupa.

Suspendido naman ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Marikina at Caloocan.

Sa Quezon City, suspendido ang klase sa mga pampublikong Child Development Center, kindergarten, Grades 1 hanggang 12 at Alternative Learning System, na lilipat sa alternative delivery modes. Nasa pagpapasya naman ng pamunuan ng mga pribadong paaralan at higher education institutions ang suspensyon, bagaman hinihikayat silang sumunod sa national o localized suspension.

Suspendido rin ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong Cavite at Benguet, habang kanselado ang lahat ng klase sa buong Laguna.

Sa Pangasinan, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa Bugallon, Dagupan City, San Carlos at Mangaldan. Lumipat naman sa asynchronous classes ang Don Mariano Marcos Memorial State University.

Wala ring face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa San Fernando City, Pampanga, at Hermosa, Bataan.

Sa Baguio City, suspendido ang face-to-face classes mula preschool hanggang Grade 12 sa pampubliko at pribadong paaralan.

Suspendido rin ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Santa Cruz, Occidental Mindoro. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here