Home NATIONWIDE NEA hinimok ni Gatchalian na kumpletuhin rural electrification program pagsapit ng 2028

NEA hinimok ni Gatchalian na kumpletuhin rural electrification program pagsapit ng 2028

2
0

MANILA, Philippines – Hinimok ni Senate President Sherwin Gatchalian nitong Sabado, Agosto 8 ang National Electrification Administration (NEA) na kumpletuhin ang rural electrification program pagsapit ng 2028 at sinabing ang mga Filipino ay dapat na may access na sa kuryente sa panahong ito ng digital age.

Ibinahagi ni Gatchalian na halos tatlong milyong tirahan ang wala pa ring access sa kuryente.

Inilaan ang P9.9 bilyong pondo para sa National Rural Electrification Program ng NEA sa ilalim ng 2026 national budget.

“Hindi katanggap-tanggap na mayroon pa tayong mga kababayan na wala pang kuryente sa panahon ng digital age,” sinabi ni Gatchalian.

“Binigyan natin ng sapat na suporta sa budget ang programang ito sa loob ng maraming taon kaya’t dapat lang na magkaroon ng kuryente ang lahat ng Pilipino sa lalong madaling panahon,” dagdag pa niya.

Iginiit pa ni Gatchalian ang kahalagahan ng pagpapababa ng long-term electricity costs sa pagpapalawak ng access sa kuryente.

Layon ng electrification program na magbigay ng expanded access sa kuryente sa remote at rural areas sa buong bansa sa pamamagitan ng electric cooperatives.

Ayon sa Commission on Audit (COA), inilaan ang P11.9 bilyon ng pondo ng pamahalaan mula 2018 hanggang 2023 para sa programa.

Nabigyan na ng kuryente ang mahigit 3.8 milyong rural households sa nabanggit na panahon.

“However, gaps in target setting, funding sustainability, and data reliability limit progress toward full household electrification by 2028,” ayon sa COA. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here