Home NATIONWIDE Lalaking sumisid para kumuha ng talaba nalunod, patay

Lalaking sumisid para kumuha ng talaba nalunod, patay

3
0

MANILA, Philippines – Kahit kasagsagan ng bagyo, Isang 56-anyos na lalaki ang namatay matakaraang sumisid sa dagat upang may ipang-ulam at pangbentang talaba sa Kawit, Cavite.

Ayon sa report, kinilala ang biktimang si alyas Alejandro, may-asawa, residente ng brgy Toclong, ng nasabing bayan matapos na ideklarang patay ng mga rumespondeng MDRRMO sa naturang lugar.

Sa ulat, sumisid umano ang biktima upang kumuha ng talaba sa Tulay Malamok, sa kahabaan ng Tirona Highway, Brgy. Kanliuran, bandang alas-2:00 ng hapon pero hindi na ito lumutang.

Tinangka ng kanyang mga kasamahan na sisirin at iahon ang biktima saka bigyan ng first aid ng mga operatiba ng Kawit MDRRMO subalit hindi na rumesponde at wala ng pintig ang kanyang pulso.

Wala namang nakitang anumang sugat sa katawan ng biktima matapos iahon kaya pinaniniwalaang nalunod ito bagama’t patuloy ang isinasagawang imbestigasyon. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here