Home METRO 2 dedo sa pamamaril sa resort sa Cavite; pulis, arestado

2 dedo sa pamamaril sa resort sa Cavite; pulis, arestado

1
0

CAVITE, Philippines – Dahil sa matinding pagtatalo, isang masayang kuwentuhan at inuman ang nauwi sa barilan makaraang barilin ng isang pulis ang kabaro nito at isang sibilyan sa parking area ng isang resort sa Barangay San Miguel A, Maragondon, Cavite.

Ayon sa report, kinilala ang mga biktima na sina Arjay Mojica, nasa hustong gulang, at  na sina PMSg Junmark Sisante ng Magallanes Municipal Police Station at PCpl Louie Vidon Climacosa ng Ternate Municipal Police Station. Pawang mga residente ng Magallanes.

Kinilala ang suspek na si PCpl Rolando Periodico Jr., 35,  nakatalaga sa Trece Martires City Police Station at residente ng Magallanes, Cavite.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Maragondon MPS, dakong 1:30 ng madaling-araw nang makatanggap ng tawag ang himpilan mula sa isang concerned citizen kaugnay sa naganap na pamamaril sa Marie’s Resort.

Mabilis na rumesponde ang duty investigator at OIC ng naturang istasyon.

Batay sa salaysay ng isang testigo, nagkainuman ang mga mga biktiman at suspek bago magpasiyang umuwi. Subalit nang makarating sa parking area ng resort, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mga ito.

Makaraang ang ilang.minutong pagtatalo nang umalingawngaw ang mga putok ng baril.

Tatlong katao ang tinamaan at agad na isinugod sa ospital, dito naman  naaresto si Periodico at narekober mula sa kanya ang isang Glock 17 9mm pistol na may inserted magazine.

Narekober rin ang isang Pietro Beretta 9mm pistol na may magazine mula sa isa sa mga biktima. Ang naturang baril ay iniulat kapwa issued firearms ng PNP.

Nasa kustodiya na ngayon ng Maragondon MPS si Periodico at nakatakdang sampahan ng  kasong Frustrated Homicide, laban sa kabaro nito. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here