Home HOME BANNER STORY P107.4B flood control budget sa 2027, babantayang mabuti ng DPWH

P107.4B flood control budget sa 2027, babantayang mabuti ng DPWH

4
0
Nagbigay-seguridad ang PRO 1 sa inspeksyon ng mga flood control project sa Bauang at Tubao, La Union noong Setyembre 16, 2025, kasama sina PBGEN Dindo R. Reyes, ICI Adviser Benjamin Magalong, at DPWH Sec. Vince Dizon.

MANILA, Philippines – Nangako ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na babantayan nitong mabuti ang P107.4 billion flood control budget para sa 2027.

Sa isang panayam, sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na maingat na nirebisa ng departamento ang alokasyon upang matiyak na ang proyekto na nakasama sa budget ay tama at maayos na naplano.

“Kailangan talaga, bantayan na nang maigi yan,” ang sinabi ng Kalihim.

“Talagang yan babantayan hindi lang ng gobyerno, kundi pati na rin ng mga ng mga local government units natin, ng ating mga civil society, mga NGO natin, at babantayan din ng ating mga kababayan,” aniya pa rin.

Ang mahigpit na pagbabantay ay bunsod ng patuloy na pagbatikos na hinaharap ng gobyerno hinggil sa pagbaha at maanomalyang flood control projects.

Winika ni Dizon na ang P107.4 bilyong alokasyon ay mas mababa kaysa sa nakalipas na flood control budget, kung saan umabot lamang ng halos P300 bilyon taun-taon.

Sa ilalim ng bagong approach, ang flood control projects ay dapat na may detalyadong plano at kailangan na naka-coordinate sa mga lalawigan at local governments upang masiguro na matutugunan ng mga ito ang aktuwal na pagangailangan ng kani-kanilang lugar.

Tinukoy naman ni Dizon ang Transparency Portal ng administrasyon, na aniya’y makapagpapahintulot sa publiko na makita at mabantayan ang mga proyekto ng gobyerno.

Hindi naman lingid sa kaalaman ni Dizon na habang may ilang lugar ang nakararanas ng improvements mula declogging at dredging operations, ang pagbaha ay nananatiling major problem na hindi kaagad mareresolba ‘overnight.’

Kaya nga, itinutulak ng gobyerno kapuwa ang agaran at long-term measures, kabilang na ang regular dredging at improvement sa mga drainage systems.

Para sa longer-term solutions, sinabi ni Dizon na pinag-aaralan ng gobyerno ang mga proyekto gaya ng dams at water-retention structures sa mountainous areas, at maging ang long-discussed spillway na nagkokonekta sa Laguna Lake to Manila Bay sa pamamagitan ng Parañaque, Muntinlupa, at Cavite.

“The administration is working with experts and local governments in preparing the flood-control projects for the 2027 budget,” ani Dizon.

Binigyang diin nito na kailangan na masiguro ng gobyerno na ang flood-control funds ay direktang mapupunta sa proyekto na makapagbibigay ng pangmatagalang solusyon sa mga komunidad na apektado ng pagbaha. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here