Home NATIONWIDE Higit 200K tirahan nawalan ng kuryente sa Hurricane Lala sa HawaiiNATIONWIDETOP STORIESWORLD Higit 200K tirahan nawalan ng kuryente sa Hurricane Lala sa HawaiiAugust 17, 2026 11:1230 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Photo from Hawaii News NowHAWAII – Mahigit 200,000 utility customers ang nawalan ng kuryente sa Hawaii nitong Linggo, Agosto 16 sa pananalasa ng Hurricane Lala sa Big Island.Nasa 219,000 customers sa buong Hawaii ang walang kuryente.Bumaba naman sa 130,000 mula sa 220,000 ang mga residenteng walang kuryente sa Oahu.Samantala, mayroon namang 100 tirahan ang napinsala ayon kay Hawaii Governor Josh Green.Ang Hurricane Lala ay kumikilos west-northwest sa bilis na 26 kilometro kada oras taglay ang lakas ng hangin na 105 kilometro kada oras.Ito ay mas mababa na sa 117 kilometro kada oras na threshold para sa isang hurricane.Sa kabila nito ay nananatili ang tropical storm warning sa Maui, Oahu, at Kauai. RNT/JGC