Home NATIONWIDE Sunog sumiklab sa residential area sa Valenzuela

Sunog sumiklab sa residential area sa Valenzuela

11
0

MANILA, Philippines – Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Valenzuela City nitong Lunes, Agosto 17.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog ala-1 ng madaling araw sa Sitio Kabatuhan, Barangay Gen. T. de Leon.

Itinaas ito sa ikatlong alarma at nahirapan ang mga bumbero sa pag-apula ng sunog dahil sa masisikip na daanan patungo sa residential area.

Idineklarang under control ang sunog alas-5 ng umaga.

Mayroong 40 istruktura na may 85 pamilya o 250 indibidwal ang apektado ng sunog.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at halaga ng pinsala sa ari-arian. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here