Home OPINION KORAP SA BAHA TODO-PERWISYO

KORAP SA BAHA TODO-PERWISYO

3
0

HINDI lang nakalulungkot kundi nakagagalit na ang mga male-maletang baha na nagaganap kahit saan sa Pilipinas na gawa ng mga korap.

Malulungkot ka kung malaman mong dumarami ang mga patay dahil sa mga baha, kasama ang landslides.

Ayon sa Philippine National Police at Office of Civil Defense, may 27 nang patay sa lunod sa baha, kasama ang ilang na-landslide.

Pero nakagagalit-isiping marami sa mga nalunod at na-landslide ang biktima ng mga male-maleta at bag-bag na kikbakan sa mga flood control program.

Nakagagalit din ang mga baha at landslide na bunga ng mga male-maleta at bag-bag na perang kikbakan na nagiging perwisyo na talaga sa hanapbuhay hindi lang sa transportasyon kundi sa pagnenegosyo at pag-aaral ng milyon-milyong kabataan.

Maging ang turismo at kalusugan napeperwisyo rin dahil sa pagkalat ng basura, kasama ng laman ng nababahang mga kubeta, kahit saan na dala ng baha.

Nitong malawak na baha sa Metro Manila kamakalawa lamang, ang dami ring nagutom sa pagkaistak nila sa trapik, bukod pa ang literal na nagutom sa kawalan nila ng kita sa pagkabigong pumasok sa trabaho, lalo na ang mga “No work, no pay.”

May nagkasakit din sa kidney at tiyan sa kawalan ng mapagbawasan habang nakaistak sa gitna ng baha at loob ng mga sasakyan, lalo na ang mga pampubliko.

Ganyan ang mga perwisyong bunga ng gawa ng mga kawatan sa gobyerno mula sa Palasyo hanggang sa Kongreso at mga local government unit.

Minsan namang umaksyon ang Senado para magkaroon ng katarungan ang mga mamamayan ngunit bakit tinalikuran na ang imbestigasyon dito?

Ang Office of the Ombudsman, inuuna namang ikulong ang masisipag na kumukuwestiyon sa male-maletang kikbakan kaysa mga pasimuno at kawan ng mga pasimuno ng kikbakan.

Kailan kaya naman malulunod o mala-landslide ang mga male-maleta at bag-bag kung mangikbak?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here