Home NATIONWIDE La Mesa Dam nananatili sa Alert Level 3

La Mesa Dam nananatili sa Alert Level 3

1
0

MANILA, Philippines – Bahagyang tumaas ngunit nananatili pa rin sa Alert Level 3 ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam sa Quezon City ngayong Miyerkules, Agosto 19 dahil sa malalakas na pag-ulan dala ng Habagat.

Sa update ng Quezon City government, nasa 80.02 metro ang lebel ng tubig sa dam na mas mataas sa 79.99 metro na naunang rekord.

Patuloy itong nasa kritikal na lebel mula sa threshold na 79.50 metro ngunit mababa pa sa overflow status na 80.15 metro.

Nagbabala naman ang lokal na pamahalaan na ang sobrang tubig mula sa dam ay maaaring makaapekto sa low-lying areas sa Tullahan River:

Quirino
Forest Hills
Quirino Highway
San Bartolome

Samantala, tumaas din sa 12.80 metro mula sa 12.55 metro ang lebel ng tubig sa San Juan River na nananatili sa Alert Level 2.

Ang mga lugar na ito ay maaapektuhan sa sobrang tubig sa ilog:

Lourdes
Sto. Domingo
Santol
Talayan
Roxas
Tatalon
Kalusugan
Doña Imelda
Damayang Lagi

Wala namang nakataas na alert level sa Quirino (Tullahan River) sa 38.90 metrong lebel ng tubig nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here