Home OPINION CASTRO LAGOT SA MGA GURO SA ‘ALANG MODO’

CASTRO LAGOT SA MGA GURO SA ‘ALANG MODO’

1
0

NAKATAGPO ng katapat mula sa mga guro si Palace Spokesperson Claire Castro kaugnay ng malagim na patayan sa mga estudyante at pagkakasugat ng iba pa sa Ateneo de Zamboanga kamakalawa.

Red Line o hindi katanggap-tanggap sa mga guro ang mga salita umano ni Castro na tahasan nitong ibinabalibag ang sisi sa mga guro ang pangyayari.

Sabi ni Castro, “Minsan na po natin nakita, mismo ang ibang mga guro ay lumalabag sa ganitong klase ng moralidad.”

“Sila minsan ay nagtuturo sa kanilang mga estudyante kung papaano maging walang modo, lalong-lalo na sa mga nakatatanda or sa mga ibang tao.”

Maalalang namaril ‘yung 17 years old gamit ang isang .9mm at isang Armalite umano at matapos ang krimen na ikinamatay ng isa ring estudyante at sinasabing dalawang iba at ikinasugat ng mahigit 10 iba pa, nag-suicide rin ito.

MAG-SORRY KA, CLAIRE!

Kabilang sa mga unang nagreak ang mga militanteng kongresman, gaya ni ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio.

Sabi ni Tinio, “”To the Presidential Spokesperson: Irespeto mo ang mga pangalawang magulang ng ating mga anak. Mag-sorry ka sa kanila…Dapat bawiin ni Usec. Claire Castro at humingi siya ng paumanhin sa lahat ng guro sa ‘di-katanggap-tanggap at wala sa lugar na paninisi niya sa mga guro para pagtakpan ang kabiguan ng Marcos Jr. administration na pangalagaan ang kaligtasan ng mga estudyante, guro, at empleyado sa mga paaralan.”

Sinubukan naman nating magkaroon ng kaugnay na mga pananaw at heto ang sinabi ng isang dating Dean ng isang malaking state university.

“May mga guro rin talaga na sugarol, babaero, sabungero, rapist, killer…kriminal kung matawag at katulad din sila ng iba na nagkakasala rin. But my mantra is..IM GOOD but not a saint!”

Sinabi pa nitong, bahagyang totoo ang sinabi ni Castro na may pananagutan ang mga guro lalo na sa ilalim ng “in loco parentis doctrine” subalit mas malaki ang impluwensya mismo ng pamilya at “peers” o kasalamuha/barkada/kaedad.

Sa nasabing doktrina, nagiging pangalawang magulang ang mga guro kaya may natutunan din ang mga ito maging sa moralidad o paggawa ng tama at pag-iwas o pagpigil sa maling gawa o isipan.

Sinasabing reaksyon ng suspek ang kanyang ginawa sa mga umano’y nam-bully sa kanya o kaya’y naimpluwensiyahan siya ng Roblox game sa internet.

Dahil naman sa kanyang agarang pagkamatay, hindi na natin malalaman ang nagtulak sa kanya na gawin ang krimen para sana makatulong sa atin sa paggabay sa mga bata.

ANO-ANO NGA BA ANG TAMANG GAWIN?

Kung mismong mga guro ay may mga nagkakasalungat na pananaw sa pangyayari, ano-ano nga ang mga dapat gawin?

Isa siguro sa mahahalagang tanawin ang sinasabi ng maraming guro na hindi na sila makakilos para magdisiplina sa mga bata na nikikita nilang pasaway dahil sa pag-iral ng Pangilinan law.

Naririyan din umano ang Republic Act No. 7610 (the Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act).

May Department of Education Order No. 40, s. 2012 o Child Protection Policy rin na nagbabawal sa anomang uri ng pagpaparusa at panghihiya na kung magawa ang mga ito ng mga guro ay maaaring makasuhan sila ng kriminal at administratibo.

Ano-ano nga ba ang mga dapat gawin upang hindi maulit-ulit ang mga pagpatay ng mga estudyante ng mga kapwa nila o ibang tao?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here