Home NATIONWIDE Kanlaon nagbuga ng abo — PHIVOLCS

Kanlaon nagbuga ng abo — PHIVOLCS

1
0

NEGROS — Nagbuga ng abo ang Kanlaon Volcano nitong madaling araw ng Huwebes, Agosto 20, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Naitala ang ash emission bandang 5:24 a.m., na lumikha ng kulay-abong plume na umabot sa humigit-kumulang 200 metro mula sa summit crater bago gumapang pababa patungong silangan.

Nakunan ang aktibidad ng Nature’s View Observation Station sa Sitio Old Fabrica, La Castellana, Negros Occidental, ayon sa PHIVOLCS.

Nananatili ang Alert Level 2 o increased unrest sa Kanlaon Volcano.

Sa ilalim ng naturang alert status, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) dahil sa posibilidad ng biglaang steam-driven o phreatic eruption at iba pang volcanic hazards.

Pinapayuhan din ang mga piloto na iwasang magpalipad ng aircraft malapit sa bunganga ng bulkan dahil maaaring makapinsala sa sasakyang panghimpapawid ang abo at iba pang volcanic materials.

Nagpaalala rin ang National Disaster Risk Reduction and Management Council sa mga residente sa paligid ng Kanlaon na mag-ingat sa posibleng pag-ulan ng abo kasunod ng aktibidad nitong Huwebes. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here