Home IN PHOTOS Paghatid ng pera kay Romualdez, itinanggi ng 25 dating tauhan ni Co

Paghatid ng pera kay Romualdez, itinanggi ng 25 dating tauhan ni Co

1
0

Magsusumite si dating House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita at legal counsel na si Atty. Ade Fajardo, ng supplemental counter-affidavit sa Office of the Ombudsman ngayong Huwebes.

Kalakip nito ang mga sinumpaang salaysay ng 25 dating driver at security aide ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co.

Ayon kay Fajardo, itinanggi ng mga dating tauhan ni Co na naghatid sila ng pera kay Romualdez o sa iba pang politiko at opisyal ng gobyerno.

Isasama rin sa ihahaing dokumento ang naiulat na pagbawi ni Orly Guteza sa kanyang naunang pahayag. Si Guteza ay dating sundalo at security aide ni Co na una umanong nag-akusa kay Romualdez kaugnay ng umano’y paghahatid ng pera.

Inihayag ni Fajardo ang mga ito sa isang press conference sa Quezon City noong Huwebes, Agosto 20, 2026. DANNY QUERUBIN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here