Home NATIONWIDE Romualdez, ‘di dawit sa cash deliveries, walang matibay na ebidensya – Fajardo

Romualdez, ‘di dawit sa cash deliveries, walang matibay na ebidensya – Fajardo

11
0

MANILA, Philippines – Walang forensic o documentary evidence na direktang nag-uugnay kay dating House Speaker Martin Romualdez, ayon kay Atty. Ade Fajardo.

Iginiit ni Fajardo, tagapagsalita ni dating Speaker Romualdez na nakabatay lamang sa magkakasalungat na pahayag ng mga testigo ang reklamo laban sa kanyang kliyente.

​“Hindi namin ma-predict, hindi namin mahulaan kung sino pa ang babaliktad o sino pa ang magsasabi ng katotohanan,” pahayag ni Fajardo sa isang press conference ukol sa posibleng pagbawi ng iba pang testigo.

​Binigyang-diin ng abogado na ilang buwan nang gumugulong ang imbestigasyon ng Ombudsman subalit wala pa ring matibay na ebidensyang naipapakita.

​“Ang kapansin-pansin lang dito is this investigation has been going on for several months. Lumalabas, wala man lang forensic evidence or object or documentary evidence linking the former Speaker.” ani Fajardo.

​Una nang naghain ng recantation ang apat sa orihinal na 18 “Maleta Boys.”

Si Guteza, na nagtestigo sa Senado noong Setyembre 2025 ukol sa paghahatid ng mga maleta ng pera, ay naghain din ng bagong affidavit noong Agosto 19 upang bawiin ang kaniyang paratang.

​Itinanggi naman ng kampo ni Romualdez ang mga akusasyon ng pagbabayad o pag-impluwensiya sa mga testigo.

​“It’s a non-case. It should be dismissed kasi wala nang ebidensya maliban sa kuwento, at ang kuwento ay iba-iba; ang kuwento ay nababaliktad.” paliwanag ni Fajardo.

​Sinabi ni Fajardo na nasagot na ni Romualdez ang mga paratang at isusumite nila ang mga pinakabagong affidavit para sa pagsusuri ng Ombudsman. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here