Home METRO 2 patay, 4 sugatan sa SUV vs trak sa Ilocos Sur

2 patay, 4 sugatan sa SUV vs trak sa Ilocos Sur

1
0

ILOCOS SUR — Dalawang 22-anyos ang nasawi habang apat pa ang sugatan matapos magsalpukan ang isang SUV at truck sa national highway sa Barangay Banaoang, Bantay, Ilocos Sur bago magmadaling-araw nitong Agosto 19.

Ayon sa Bantay Municipal Police Station, kapwa residente ng Mangaldan, Pangasinan ang driver ng SUV at isa nitong pasahero na nasawi sa aksidente.

Apat pang pasahero ng SUV ang nasugatan at isinugod sa pinakamalapit na ospital.

Nagtamo rin ng minor injuries ang 48-anyos na driver ng truck, na residente ng Anda, Pangasinan.

Batay sa paunang imbestigasyon, sinabi ni Police Lt. Ronie Corpuz na patungong hilaga ang truck nang umano’y mapunta sa lane nito ang kasalubong na SUV, dahilan upang magkaroon ng head-on collision.

Sa lakas ng impact, matinding napinsala ang dalawang sasakyan, partikular ang SUV.

Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang eksaktong sanhi ng aksidente. Hinihintay din ang resulta ng medico-legal examination upang matukoy kung may alcohol o iba pang salik na maaaring nakaambag sa insidente.

Dahil dito, pinaalalahanan ng Bantay police ang mga motorista na maging maingat at responsable sa pagmamaneho upang maiwasan ang mga katulad na aksidente.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here