Home NATIONWIDE NCAP violations, makikita na sa MayHuliKa portal, simula Aug. 24

NCAP violations, makikita na sa MayHuliKa portal, simula Aug. 24

1
0

MANILA, Philippines — Mas madali nang masusuri ng mga motorista ang lahat ng nakatalang No Contact Apprehension Policy (NCAP) violations ng kanilang sasakyan sa MayHuliKa portal simula Lunes, Agosto 24.

Ayon sa advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magdaragdag ito ng search option sa portal kung saan maaaring gamitin ang plate number at motor vehicle (MV) file number upang makita ang lahat ng NCAP violation records ng isang sasakyan.

Maaari ring gamitin ang plate number at ticket number para sa mga motoristang nakatanggap na ng notice of violation o traffic ticket.

Sinabi ng MMDA na layunin ng bagong feature na gawing mas madali, ligtas at accessible ang pagberipika ng traffic violations.

Kasabay nito, muling nagbabala ang ahensya laban sa mga pekeng text message na nagpapanggap na NCAP notification.

Ayon sa MMDA, “MMDA_NCAP” lamang ang lehitimong sender ng kanilang text notifications at walang kasamang link ang mga tunay na mensahe.

“Legitimate messages do not contain links. Any text message with a link is a scam,” paalala ng ahensya.

Ang ebidensya ng NCAP violation ay maaari lamang tingnan sa MayHuliKa portal o sa eGovPH app sa pamamagitan ng paghahanap sa MMDA.

Nakapaloob na rin sa eGovPH Super App ang MayHuliKa system upang magkaroon ang mga motorista ng centralized platform para sa pag-check at pag-settle ng kanilang traffic violations.

Pinaalalahanan din ang mga motorista na maaaring ma-flag sa Land Transportation Office (LTO) record ang mga hindi pa naaayos na violation at makaapekto sa renewal ng rehistro ng sasakyan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here