MANILA, Philippines – Binatikos ni ACT Teachers Representative at Deputy Minority Leader Antonio Tinio ang Office of the President (OP) matapos lumabas sa National Expenditures Program (NEP) na ang 44.9 porciento ng panukalang badyet ng Malakanyang ay nakalaan lamang sa confidential at intelligence funds ng Pangulo.
Sinabi ng mambabatas na ang alokasyong ay pinakamataas na inilaang confidential at intelligence funds (CIF) sa panukalang ₱7.2-trilyon na badyet para sa 2027 ng NEP na alokasyon para sa tanggapan ng pangulo.
Giit ni Tinio na taliwas aniya ito sa ipinangangalandakang good governance ng administrasyon.
“Bakit halos kalahati ng buong confidential at intelligence funds ng buong bansa nasa kamay ng Office of the President? Alinsunod ba ito sa transparency at good governance?” ani Tinio.
Binigyang diin pa ng kongresista na ang staggering 44.9 percent ng panukalang alokasyon para sa OP sa susunod na taon ay kinabibilangan ng aniya’y “ the proposed budget for 2027 is composed of secret funds, underscoring the extent to which the highest office in the land relies on opaque allocations.”
Nakapasok aniya sa OP budget ang kabuuang ₱4.55 bilyong secret funds—na binubuo ng ₱2.25 bilyon na confidential funds at ₱2.30 bilyon na intelligence funds—na hindi naman nagkaroon ng pagbabago kung ikukumpara aniya nitong 2026 ngunit ito ay halos kalahating porciento ng kabuuang ₱10.773 bilyong CIF sa iba’t ibang sangay ng gobyerno.
Pinuna rin ni Tinio ang tila pagkakaroon ng “double standard” sa kasalukuyang politika sa bansa kung saan si Vice President Sara Duterte aniya ay nahaharap sa impeachment at matinding public scrutiny dahil sa diumano’ymaling paggamit o paglusta sa confidential funds sa panahong siya pa ang kalighim ng Department of Education.
“Ngayon, nakasentro ang atensyon ng publiko sa impeachment ni VP Sara at sa pagbusisi sa kanyang confidential funds. Tama lang na panagutan niya ang mga anomalya. Pero hindi pwedeng may double standard. Kung siniyasat natin nang ganito katindi ang ₱612.5 million na CIF ng OVP at DepEd, papasa kaya ang Office of the President sa ganong klaseng scrutiny kung ₱4.55 billion ang secret funds niya at walang malinaw na pinagkagastusan na maipapapkita sa publiko?”
“Hindi lang naman ang OVP ang dapat sumailalim sa mahigpit na pagsisiyasat. Dapat pantay-pantay ang pamantayan. Kung ang ₱612.5 million ay inimbestigahan at naging batayan ng impeachment, paano pa ang ₱4.55 billion na pumapasok sa OP taon-taon na walang sapat na transparency?”
Si Tinio ay matagal ng nagsusulong na ipagbawal o buwagin na ang confidential at intelligence funds sa panukalang pambansang badyet dahil ang pampublikong pondo ay dapat aniyang sumailalim sa mga pagsusuri kung paano ginastos.
“Yan naman ang panawagan natin ever since, na dapat i-abolish ang confidential and intelligence funds. Wala dapat confidential sa budget, dapat transparent lahat. May mga ibang paraan para pangalagaan yung security concerns sa paggamit ng pondo. Tapos yung pondo na yan ay gamitin para sa agrikultura, social services, education, and so on,” ayon sa kongresista.
Hindi rin pinaniniwalaan ni Tinio ang pahayag ng Department of Budget and Management (DBM) na ang pondo ng CIF ay masusing sasailalim sa mga pagsusuri.
“The DBM can claim all it wants that these funds are subject to liquidation and auditing rules, but the reality is that the Filipino people are kept in the dark. ₱4.55 billion in the hands of one office, with no meaningful public scrutiny, is a recipe for corruption and abuse. The people are reeling from record-high inflation, stagnant wages, and chronic underfunding of basic services. Yet Malacañang insists on keeping billions in slush funds that escape meaningful public audit. Ituloy na natin ang pag-abolish ng CIF at ibalik ang pondo sa mga tunay na serbisyo publiko,” ayon pa rin kay Tinio. Meliza Maluntag