MANILA, Philippines — Walang nakakuha ng jackpot sa Grand Lotto 6/55 at MegaLotto 6/45 draws ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes, Agosto 24.
Ang winning combination sa Grand Lotto 6/55 ay 51-41-18-54-12-27, na may jackpot na P153,067,923.93.
Wala ring nakahula sa kombinasyong 40-44-08-36-12-32 ng MegaLotto 6/45, na may premyong P25,692,398.58.
Sa 4D Lotto, lumabas ang 6-6-7-0, na may premyong P20,429. Apatnapung mananaya ang nanalo.
Sa 3D Lotto, ang mga winning number ay 1-1-7 sa 2 p.m., 1-6-4 sa 5 p.m., at 4-3-5 sa 9 p.m. May tig-P4,500 na premyo ang bawat winning ticket.
Sa 2D Lotto, lumabas ang 24-24 sa 2 p.m., 22-01 sa 5 p.m., at 31-15 sa 9 p.m. P4,000 ang premyo sa bawat winning ticket. RNT